Bakit nga ba minahal agad kita?
hindi ko alam kung ano ang sayo'y nakita
Biglang nag-iba aking nadarama
Sayo nga ba,ako'y nahuhulog na?
Bakit nga ba ika'y aking iniwan?
Pinilit kong kalimutan magagandang pinagsamahan
Pinilit ko ding ignorahin aking nararamdaman
Bawat tingin mo't titig aking iniiwasan.
Bakit nga ba ginusto kong magbago
At kalimutan na lang dating damdamin sa'yo?
Pilit ibahin magandang pakikitungo
Nginit kapag may kasama ka, ako'y naninibugho.
Bakit nga ba iniisip pa rin kita?
Sa mga sandaling ako'y mag-isa,sumasagi ka sa aking ala-ala
Dating pakiramdam,muling bumabalik
at bawat saglit,puso ko'y ikaw ang ipinipintig.
Bakit nga ba,hinahanap-hanap kita?
Di ko maintindihan,ako'y nagtataka
Ako'y nalilito ngunit walang magawa
Umaasa akong ito'y agad ring mawawala.
Minsan ako'y naguguluhan,
kung babalik ba ako'y mayroon pang babalikan?
Ngunit labis akong nagtataka
Bakit pag-ibig ay sobrang mahiwaga?
Sunday, March 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment