Thursday, March 19, 2009

unang pag-ibig

Pinakamasaya na ang araw na ito.
Aking nakamit minimithi kong "oo"
Hindi ko ito malilimutan sa buong buhay ko
Bali-baliktarin man magulo kong mundo.

Unang pag-ibig,unang pagsinta
Magmahal na muli,saki'y ipinadama.
Puso'y humihiling,lihim na umaasa
Sana, mga araw na ito'y wag nang matapos pa.

Ikaw ang naglagay ng masiglang ngiti
Napawi ang kahapong may hirap at pighati.
Ikaw ang naging pag-asa,ilaw at gabay
Naituwid mo mga pagkakamali ko sa buhay.

Pag-ibig nga bang ito'y hanggang kailan?
Darating din ang pagkakataong ako'y iyo ring iiwan.
Ngunit sa ngayon,panahon ay susulitin
Sisiguruhing masusuklian iniukol mong pagtingin.

Mali nga ba ang umibig?
Magkaroon ng liwanag ang madilim kong daigdig.
Ngunit sa aking isipan,isang bagay ang tumanim:
Mali ang magtiis at utos ng puso nay supilin
.

No comments:

Post a Comment